^

Police Metro

MRT-3, magsasakay lang ng 153 pasahero kada biyahe

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 153 pasahero lang kada biyahe ang isasakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kung sakaling mailagay nang tuluyan ang Metro Manila sa ge­neral community quarantine (GCQ) sa susunod na linggo.

“Kung kami po ay bibigyan ng order at nag-GCQ na tayo by June 1, ready naman po ang MRT-3 mag-mobilize,” ayon kay MRT director for operations Michael Capati.

Subalit,magiging malaki ang pagbabago ng operasyon ng MRT-3 kumpara sa dating nakaugalian ng mga pasahero bago maganap ang krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kung dati ay nasa 1,200 pasahero ang puwedeng isakay  ng bawat tren ay gagawin na lang 153 katao na lang ang sakay nito kada biyahe kapag natuloy na ang ope­rasyon.

Layunin aniya nitong matiyak na maipapatupad ang physical distancing o 1-meter gap sa pagitan ng mga pasahero at maiwasan ang paghahawahan ng virus.

Lilimitahan na rin lamang ang mga pasaherong papapasukin sa train platforms.

Lahat ng pasahero ay kinakailangan ding magsuot ng face masks at hindi pasasakayin kung mataas ang temperatura ng mga ito.

Hindi rin muna umano papayagan ng MRT-3 na sumakay ng mga tren ang mga taong pinaka-vulnerable sa sakit, gaya ng mga batang nasa 21 taong gulang pababa, o 60 taong gulang pataas.

vuukle comment

GCQ

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with