^

Police Metro

ABS-CBN lumabag sa batas - Solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Ibasura ang apela ng ABS-CBN na isyuhan pa ito ng panibagong 25 taong prangkisa matapos naman ang mga paglabag sa batas ng higanteng radio-television network sa bansa”.

Ito ang naging pa­nawagan ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa kanyang mga kasamahang mambabatas sa Kamara sa katatapos na magkasanib na pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises at Good Governance and Public Accountability.

Iginisa ni Marcoleta ang mga kinatawan ng ABS-CBN na sinabing tapos na ang 50 taong prangkisa ng network kaya hindi na dapat pang i-renew ang prangkisa nito.

Ginamit din nito ang viral video ni Vice Ganda nang hamunin si Pastor  Apollo Quiboloy na ‘stop’ o pahintuin ang “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin at maging ang viral video naman ni Kim Chiu na ‘Bawal Lumabas “ ay sinabi ni Marcoleta na  ngayon ay  puwede nang lumabas sa ABS-CBN dahilan sarado na ang network.

Si Marcoleta ay isa sa mga mambabatas na humaharang na mai-renew ng karagdagan pang 25 taon ang ABS-CBN.

Nitong Martes sa  halos kalahating oras na opening statement ni Marcoleta ay inisa-isa ng solon ang mga paglabag ng ABS-CBN kabilang ang 50 taong limitasyon sa  legislative franchise para makapagpatuloy ng operasyon, pagbabawal sa foreign ownership, unfair labor practices, tax evasion at pagkiling umano sa pulitika sa 2016 at 2010 national elections.

Inihayag nito na ang pagbibigay ng legislative franchise ay  hindi karapatan ng anumang network manapa’y isa lamang itong prebilihiyo.

vuukle comment

ABS-CBN

RODANTE MARCOLETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with