Pondo para sa siklista hinirit sa DOTr budget

Gemma Garcia (Pang-masa) - May 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na isama sa budget fundings nito ang imprastruktura para sa mga nagla­lakad at siklista sa ilalim ng new normal sa harap ng patuloy na banta ng pandemya.

Sinabi ni Poe na dapat pondohan ng pamahalaan ang ganitong imprastruktura dahil marami na ang nagbibisikleta upang makapasok sa trabaho sanhi ng kakapusan ng transportasyon.

“Marami sa ating mga kababayan ang nagbibisikleta na para lamang makapasok sa trabaho sa gitna ng pandemya.Ang kanilang pagtitiyaga ay suklian natin ng karampatang proteksyon,” giit ni Poe.

Alinsunod ang pa­nawagan ni Poe sa rekomendastyon ng CO­VID-19 Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases na itaguyod ang alternatibong sistema ng pagkilos.

Naunang ipinanukala ng Move as One Coalition na dapat mamuhunan ang pamahalaan ng P100 bilyon para mapahusay ang urban mobility. Kabilang dito ang 1,600 kilometro ng walking at cycling infrastructure at pagbili ng 100,000 bisikleta at 5,000 bike racks para sa bicycle-sharing programs sa Metro Manila at iba pang highly urbanized cities.

DOTR GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with