

Senado mamadaliin ang mga panukalang batas
MANILA, Philippines — Bago magbakasyon ang kongreso sa susunod na linggo ay inilabas na ng liderato ng Senado ang mga panukalang batas na kanilang mamadaliin.
Ito ang sinabi ni Senate Presidente Vicente Sotto III at kabilang sa mamadaliin ay ang Corporate Income tax and Incentives Reform Act (CITIRA) na naglalayong mabawasan ang buwis ng mga korporasyon para patuloy mamuhunan ang mga foreign investors sa bansa.
Panukalang pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulong Duterte na magdesisyon kung kailan bubuksan ang klase base sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd).
Anya, kapag hindi ito naisabatas ay lalabagin ng Pangulo ang batas na nagtatakda na magbubukas ang klase bago matapos ang buwan ng Agosto.
Inihahabol din ang panukalang expanded solo parent act kung saan dadagdagan ang mga benepisyo ng mga single na magulang kabilang ang dagdag pitong araw na annual parental leave.
Kabilang din sa ipapasa ang panukalang medical scholarship act na naglalayon na hikayatin ang mga gustong magdoktor, subalit walang pampaaral na sasagutin ng gobyerno sa kondisyon na kailangan muna silang magsilbi muna sa gobyerno bago sila makapag abroad.
Ang mga panukalang batas ay nasa plenary debate na at kailangan maaprubahan sa susunod na linggo at kung hindi ay ipapagpatuloy ang pagtalakay nito sa muling pagbabalik sesyon nila sa Hulyo.
- Latest