Enrollment sa schools tuloy sa June 1
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tuloy ang nauna nang itinakdang petsa ng Department of Education (DepEd) para sa enrollment ng mga mag-aaral.
Presidential Photo/Yancy Lim
Enrollment sa schools tuloy sa June 1
Malou Escudero (Pang-masa) - May 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ang pagsisi­mula ng enrollment para sa public schools sa June 1, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tuloy ang nauna nang itinakdang petsa ng Department of Education (DepEd) para sa enrollment ng mga mag-aaral.

“Tuloy po muna ang enrollment, madali naman pong ikansela iyan depende sa sitwasyon ng COVID-19, ani Roque.

Anya, puwedeng ituloy pa rin ang klase gamit ang blended learning at online classes.

“At saka kinakaila­ngan pa ring mag-enroll, kasi bagama’t ang ating gagawin ay blended learning, magkakaroon pa rin tayo ng mga assessment ‘di ba ho ‘no. At maski magiging blended learning iyan, kinakaila­ngan magkaroon ng basehan kung mapu-promote ba sa susunod na grado ang mga estudyante o hindi,” sabi ni Roque.

Una nang sinabi ng DepEd na gagawin ang enrollment sa public schools mula June 1 hanggang June 30.

Ang pagbubukas ng klase kung pisikal man o virtual ay inaasahang magsisimula sa ika-24 ng Agosto. 

Sinabi ni Roque na ang pahayag ni Pangulong Duterte na “no vaccine, no classes” ay para lamang sa face-to-face classes.

DEPED HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with