^

Police Metro

3 bills na may kaugnayan sa pagtugon ng bansa sa COVID-19, inaprubahan ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong panukalang batas na may kaugnayan sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 ang ina­prubahan kahapon ng Kamara.

Sa isasagawang ses­yon inaprubahan ng special House panel on coronavirus ang panukalang P548-billion Philippine Economic Stimulus Act (Pesa) at ang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, maaaprubahan din ang panukala na magpapataw ng parusa sa sinumang sangkot sa diskriminasyon sa mga tinamaan ng COVID-19 o hinihinalang meron nito, gayundin ang mga health-care workers at iba pang frontliner.

Inaprubahan din ang P1.3 trilyong Economic Stimulus Act hanggang 2023 upang ibangon ang ekonomiya at protektahan ang mamamayan lalo na ang mga medical frontli­ners kaugnay ng matin­ding epekto ng krisis sa COVID 19 sa bansa.

Ayon kay House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, Co-Chairperson ng DCC at Speaker Alan Peter Cayetano, iba’t-ibang cluster ng DCC ang nagtrabaho ng husto para matugunan ang pagbagsak ng ekonomiya at tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan na mabig­yang proteksyon laban sa outbreak.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with