^

Police Metro

Lola, 3 pa tiklo sa droga

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang apat na katao kabilang ang isang 70-anyos na lola sa isang drug buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Alicia Santos, 70, ng No. 97, Sinagtala, Brgy. Bahay Toro, Quezon City; Cristina Petejotes, 53; Alex Bagang, 29; at Rodolfo De Pedro Jr., 45 na pawang residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago naaresto ang mga suspek, alas-8:00 ng gabi sa bahay ni Santos ay nagkasa ng  buy bust operation ang QCPD at PDEA.

Nang kumagat ang mga suspek sa poseur buyer ay dito na sila inaresto at nabawi ang 7 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P50,000., 2,000 buy bust money at mga cellular phone na ginagamit sa ilegal na transaksiyon.

Base sa rekord, si Santos at Pelejotes ay kabilang sa barangay drug data base habang sina Bagang at De Pedro newly identified drug personalities sa kanilang lugar.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with