^

Police Metro

Totoy napisak ang ulo sa trak

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 9-anyos na batang lalaki matapos magulungan ng trak ang kanyang ulo nang damputin sa gitna ng kalsada ang nahulog niyang sumbrero naganap,kamakalawa sa Barangay Baracaoit, Gattaran, Cagayan.

Sa ulat, alas-6:00 ng umaga ay angkas ang biktimang si Reyranie James Valle sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang tatay nang liparin ng hangin ang suot nitong bullcap.

Biglang hininto ng ama na si Reynante, 40 ang motorsiklo sa gitna ng kalsada upang damputin ang sumbrero na hindi nakita ang pagdating ng Elf truck na may kargang graba kaya’t nasalpok sila at tumilapon sa kalsada.

Sa kasawiang palad, gumulong ang bata sa kaliwang bahagi ng highway kaya’t nadaanan ng gulong ng trak ang ulo nito na sanhi ng daglian niyang pagkamatay.

Sumuko sa pulisya ang drayber ng trak na si  Erickson Gabatino, 37 na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with