Hirit na TRO ng ABS-CBN sa SC, ipinababasura ng NTC
MANILA, Philippines — Hiniling ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Korte Suprema na ibasura ang hirit na TRO ng ABS-CBN.
Sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) hiniling ng NTC sa Supreme Court na huwag pagbigyan ang hiling na temporary restraining order (TRO) na magpapahinto sa cease and desist order ng komisyon sa network.
Magugunitang huminto sa pag-ere ang ABS-CBN matapos ang inilabas ang cease and desist order ng NTC.
Ayon sa NTC, walang merito ang hirit na TRO ng network at ang pagpapahinto sa operasyon nito ay ‘valid’.
Sinabi ng NTC na may kapangyarihan itong ipahinto ang operasyon ng ABS-CBN dahil sa kawalan nito ng legislative franchise.
- Latest