^
Duterte: âNo vaccine, no classesâ
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na wala munang klase sa mga paaralan hangga’t walang bakuna ay para sa face-to-face classes.
Karl Norman Alonzo/Presidential Photo

Duterte: ‘No vaccine, no classes’

Malou Escudero (Pang-masa) - May 27, 2020 - 12:00am

Para sa ‘face-to-face’ classes lang...

MANILA, Philippines — Tuloy ang paghahanda ng pamahalaan para sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020.

Ito ang pahayag ng Malacañang sa kabila ng statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang pagbubukas ng klase hangga’t walang bakuna kontra COIVD-19.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na wala munang klase sa mga paaralan hangga’t walang bakuna ay para sa face-to-face classes.

Sinabi ni Roque na magbubukas lamang ang face-to-face classes kung mayroon nang bakuna at kung wala nang umiiral na community quarantine.

Pero, hindi naman ani­ya ibig sabihin na hindi na magbabalik klase ang mga mag-aaral.

Sinabi ni Roque na magpapatupad ang Department of Education ng “blended learning” at gagamitin ang computer, TV, at community radio stations para maituloy ang pag-aaral.

Habang tuloy naman ang online learning sa mga pribadong paaralan.

KLASE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with