Sunog sa Quezon City: 30 pamilya nawalan ng tirahan
Mer Layson (Pang-masa) - May 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nawalan ng tirahan ang nasa 30 pamilya sa naganap na sunog sa isang residential area sa Cubao, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat, ala-1:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa isang silid na nasa ikalawang palapag ng isang 2-storey residential apartment na pagmamay-ari ng isang Irish Limjuco, 42, na matatagpuan  sa 83 13th Avenue, Cubao at anim na paupahang bahay ang tinupok ng apoy.

Magkakadikit ang mga bahay at kinailangan ng mga bumbero na umakyat sa bubong upang apulahin ang apoy dahil sa makikitid na kalsada sa lugar.

Dakong alas-2:17 ng madaling araw nang tuluyang maapula ng mga bumbero ang sunog, na umabot sa ikatlong alarma. Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with