Hybrid lesson plan ihanda sa 31 milyong estudyante
MANILA, Philippines — Dahil bawal muna ang pisikal na pagdalo ng mga estudyante sa klasrum ng kanilang mga paaralan upang pangalagaan ang kanilang kalusugan at hindi magkahawaan sa virus sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24 ay dapat nang ihanda ang 31 milyon estudyante sa “hybrid lesson plan”.
“The government has two months until August to finish its “greatest homework” of adjusting the school system to the pandemic reality, which is to prevent some 31 million students from physically attending classes in packed school,” pahayag ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman.
Sinabi ni Hataman na dapat paghandaang mabuti ng pamahalaan ang pagbubukas ng klase sa Agosto sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa bansa para sa “new education normal”.
“At kung anuman ang maging plano for students, definitely dapat ‘no vaccine, no physical classes’ ang mangyari. Because for as long no vaccine against COVID-19 is available, our children will face mortal danger if they are told to physically return to school,” giit ni Hataman.
Ayon pa kay Hataman, kung pababayaan na hindi madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante habang naghihintay pa ng bakuna ay hindi sila magiging produktibo.
- Latest