74-anyos lolo pinagselosan, inutas ng kainuman
Jorge Hallare (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 74-anyos na lolo matapos na pagselosan at pagtatagain ng kanyang kainuman sa Zone-6, Sitio Lip-ak, Brgy. Catagbaca, Goa, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang katawan ay nakilalang si Maximo Doroin Buendia, balo at residente ng nasabing barangay.

Sumuko naman ang suspek na kinilalang si Dionisio Pagador Jr., 59.

Sa ulat, alas-12:15 ng  madaling araw ay nakitang nag-iinuman ang biktima at suspek sa bahay ng huli hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Dahil dito, kumuha ng itak ang suspek at paulit-ulit na pinagtataga sa katawan ang biktima na agad namatay. Tumakas ang suspek pero kinaumagahan ay sumuko sa isang barangay kagawad dala ang itak na ginamit sa pananaga.

Sa imbestigasyon, nagalit umano ang suspek makaraang makitang hinahawakan ng biktima ang kanyang asawa habang sila ay nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay.

LOLO PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with