Grab food driver, 1 pa tiklo sa shabu sa checkpoint
Gary Bernardo (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Grab food driver at kasama nito matapos masita at mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa control checkpoint ng pulisya sa Brgy. Cutcut, Angeles City, Pampanga nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 5 commander P/Maj. Rolando Doroja, kinilala ang Grab food driver si Erwin Sanguinza, 29, ng Northville15, Brgy. Cutud, at kasabwat umano nitong si Reylie Reyes, 28, ng Sto Nino, Brgy. Pampang; pawang sa Angeles City.

Padaan sa checkpoint si Sanguinza na naka-uniporme pa ng Grab at si Reyes nang maharang at nadiskubre ng mga pulis na may dalang isang small plastic sachet na hinihinalang shabu habang lulan ng Honda TMX-155 na kulay itim (CO28148) na gamit nito sa food delivery.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.

GRAB SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with