Bike transport system iiral sa Pasay
Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang isa sa solusyon sa limitadong transportasyon sa loob ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa pag-iral ng “new normal” ay isusulong ng Pasay City government ang “bike transport system”.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, ito ang nakikita nilang isang solusyon sa problema ng mga mamamayan sa “limited means for mobility” habang nakasuspinde ang mga public mass transportation, na kapag papayagan nang mag-resume ay ire-require pa rin na bawasan ang kanilang magiging pasahero.

Magtatakda ang Pasay LGU ng “bike lanes” sa mga pangunahing kalsada patungo sa mga lugar at establisimyento na karaniwang dinadagsa ng tao tulad ng palengke (pribado at publiko), tanggapan ng pamahalaan, at long-distance transport hubs tulad ng airport, MRT at LRT stations, at bus terminals.

Ang naturang bike lanes, aniya, ay pipinturahan, lalagyan ng signages tulad ng paalala na “off-limit” ito sa motorized vehicles, at  babantayan at pangangasiwaan ng mga tauhan ng Traffic and Parking Management Office (TPMO), Tricycle and Pedicab Franchising and Regulatory Office (TPFRO), Public Order and Safety Unit (POSU) gayundin ng mga tauhan ng barangay na nakasasakop sa bawat segment ng bike lane.

Ang bahagi ng mga kasalukuyang pedestrian lanes lalo na ‘yung mga nasa intersections ay idedek­lara ring bike lanes para sa mga tatawid na nakabisikleta.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with