2 Chinese dinakip sa mga gamot sa COVID
Cristina Timbang (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese ang inaresto habang nakatakas ang isa nilang kasama nang salakayin ng mga awtoridad ang isang bodega ng mga umano’y gamot laban sa COVID-19 kahapon ng umaga sa Brgy. Niog 2, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Zhixing Chen at Lingjie Zhao alyas Kira, kapwa nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar habang nakatakas ang isang kasamahan na nakilalang si Achinglee Payoran Xu.

Sa ulat, alas-9:00 ng umaga nang isilbi ng mga otoridad ang search warrant sa bodega ng mga suspek sa Warehouse #9 APX Liquid Diswashing Products Tra­ding na nasa loob ng compound ng Prime Pacific United Consortium, Inc. sa may  Ilaya St., Niog Road,  Brgy. Niog 2.

Pagpasok sa loob ng bodega ay naabutan ang dalawang suspek na nag-aayos ng 27 malala­king  kahon kung saan nasa loob nito ang may 10,800 na maliliit na kahon na naglalaman ng mga capsules na isang   Chinese medicine na diumano’y  gamot laban sa COVID-19  na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

 Nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 as amended by RA 3720 in relation to RA 11469 (Bayanihan to Heal as One) ang dalawang Chinese national.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with