Anak ng magsasaka at guro valedictorian sa PMA 2020
Doris Franche, Victor Martin (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanguna sa 200 kadete na nagsipagtapos sa Philippine Military Academy “Masidlawin Class of 2020” ang anak ng magsasaka at guro mula sa Echague, Isabela na si Cadet First Class Gemalyn Sugui, 25.

Igagawad din kay Sugui ang Presidential Saber, Achievement Award for Academic Excellence, JUSMAG Award, Philippine Army Saber, Spa­nish Armed Forces Award, Social Sciences Plaque, Management Plaque, at Rule of Law Award, batay sa PMA.

Kasama sa top 10 ng Masidlawin Class na limang babae at tatlong kadete mula sa Cordillera: Cadet First Class Jade Villanueva mula Tac­loban City; Cadet First Class Jefferson Salazar mula Zamboanga City; Cadet First Class Rojes Gaile Jamandre mula Lamut, Ifugao; Cadet First Class Jeb Bay-an mula Benguet; Cadet First Class Catabay Ladyong mula Tabuk, Kalinga; Cadet First Class Vanelyn Angel Tabao mula Tuguegarao City; Cadet First Class June Giel Anne Factor mula Piddig, Ilocos Norte; Cadet First Class Rubenson Abgao Maliwanag Baroy mula Lanao del Norte; Cadet First Class Dencel Aina Ba­yaca mula Floridablanca, Pampanga.

Sinabi ni PMA Supt. Admiral Allan Ferdinand Cusi na dahil sa coronavirus pandemic, hindi magiging bukas sa publiko ang premier military training institution ng graduation rites ngayong taon.

Ayon sa PMA, ang Masidlawin Class ay binubuo ng 173 lalaking kadete at 23 babaeng kadete. Sa kabuuang bilang, 100 sa kanila ang mapupunta sa Phi­lippine Army; 45 sa Philippine Air Force at 51 sa Philippine Navy.

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with