Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque at “lack of confidence and trust” ang dahilan ng Pangulo sa pagsibak kay Purisima.
Philippine Information Agency ICCC
Opisyal ng OCD sinibak ni Duterte, DICT Usec nagbitiw
Malou Escudero (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang assistant secretary ng Office of the Civil Defense na si Kristoffer James Purisima.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque at “lack of confidence and trust” ang dahilan ng Pangulo sa pagsibak kay Purisima.

Si Purisima ay nagsilbi noon na tagapagsalita ng Task Force Bangon Marawi (TFBM).

Tiniyak ni Roque na maayos naman ang OCD sa pamumuno ni Undersecretary Ricardo Jalad at patuloy ang kanilang gawain katulad ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo at maging sa ginagawa ng gobyerno para labanan ang COVID-19.

Samantala, tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio.

 “The Palace thanks Usec. Rio for his inva­luable services to the nation and wish him well in all his future endeavor,” ayon kay Roque.

Si Rio ay naghain ng kanyang resignation letter sa Malacañang noong Pebrero 2020. Matagal siyang nanilbihan bilang acting secretary ng DICT at pinamunuan ang bidding process para sa third telco sa bansa.

KRISTOFFER JAMES PURISIMA RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with