Bulacan drug bust:3 todas
Omar Padilla (Pang-masa) - May 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Gitnang Luzon, tatlong hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad kahapon ng madaling araw habang 21 naman ang natiklo sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang mga napatay na sina Reyzeph Salvania ng Brgy. Poblacion, Baliwag;magpinsan na sina Tommy  at Jourgal Catalla na kilalang drug pusher.

Sa ulat, alas-1:10 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Sampaloc San Rafael na kung saan ay nanlaban si Salvania at narekober ang isang plastic sachet ng shabu at isang Cal .9mm pistol.

Alas-3:15 ng mada­ling araw nang mapatay ng mga otoridad ang magpinsang Catalla  matapos na makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa isinagawang drug buy-bust sa Brgy. Assumption, San Jose del Monte City, Bulacan.

Nabawi sa dalawa ang 22 plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver, isang shot gun at buy-bust money.

DRUG BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with