^
Guro na magbibigay ng P50 milyon sa makakapatay kay Duterte, nadakip
Kinilala ni NBI OIC Director Nestor Distor ang inaresto na si Ronnel Mas, 25-anyos, secondary teacher at isang Doctoral Degree student at residente ng Sta. Cruz, Zambales. Nabatid na Mayo 5 nang mag-post sa kaniyang Twitter account na @PrinceRon si Mas at nag-alok ng P50 milyon sa sinumang papaslang sa Pangulo.
AFP

Guro na magbibigay ng P50 milyon sa makakapatay kay Duterte, nadakip

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang high school teacher sa Zambales ang labis na nagsisi makaraang arestuhin siya ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-aalok ng P50 milyon sa sinuman na makakapatay kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na kaniyang ipinost sa social media.

Kinilala ni NBI OIC Director Nestor Distor ang inaresto na si Ronnel Mas, 25-anyos, secondary teacher at isang Doctoral Degree student at residente ng Sta. Cruz, Zambales. Nabatid na Mayo 5 nang mag-post sa kaniyang Twitter account na @PrinceRon si Mas at nag-alok ng P50 milyon sa sinumang papaslang sa Pangulo. 

Agad na naalarma ang ibang netizen hanggang sa kumalat ang kaniyang post sa iba pang social media platforms.

Natukoy naman agad kung sino ang may-ari ng naturang account at kaniyang tinitirhan kaya ipinatupad ang pag-aresto kay Mas kamakalawa ng hapon sa kaniyang bahay.

Itinanggi noong una ni Mas ang post ngunit kinalaunan ay umamin din at sinabing naglalabas lamang siya ng opinyon at bandang-huli, umiiyak na humingi na ng patawad si Mas kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Distor na labis na siniseryoso ng NBI ang anumang pagbabanta kay Pangulong Duterte maging kay Bise-Presidente Leni Robredo, Senate President, Speaker of the House, Chief Justice at mga miyembro ng hudikatura bilang parte ng kanilang mandato.

Nakatakdang sampahan si Mas ng mga kasong paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act) at Ra 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

GURO NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with