^

Private schools puwedeng magbukas ng klase sa Hunyo

Mer Layson (Pang-masa) - May 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinabi ni Department of Education ( DepEd) Sec. Leonor Briones sa isang virtual press briefing kahapon na maaari magbukas ng klase ang mga pribadong paaralan sa Hunyo ngunit hindi pa rin papayagan ang magkaroon ng “face-to-face” lear­ning ang mga guro at mga mag-aaral.

Paliwanag ni Briones, may umiiral naman kasing batas na nagsasaad na ang pagbubukas ng klase ay maaaring simulan sa unang linggo ng Hunyo hanggang sa huling araw ng Agosto.

Gayunman, dahil sa krisis sa coronavirus di­sease 2019 (COVID-19) ay hindi pa rin maaari ang face-to-face learning.

Paglilinaw naman ng kalihim, kahit pa nagdesis­yon na sila na isagawa ang class opening sa Agosto 24 ay hindi ito nangangahulugan na papayagan na ang mga face-to-face activities.

Anya, papayagan lamang ang face-to-face learning kung mababa na ang panganib na magkahawahan ng virus at base na rin sa pagtalima sa minimum health standards.

Una nang itinakda ng DepEd ang School Year 2020-2021 mula Agosto 24, 2020 hanggang Abril 30, 2021 at nakatakda namang mag-adopt ang DepEd ng iba’t ibang opsiyon para matuto ang mga mag-aaral habang ligtas pa rin sa virus tulad ng paggamit ng radyo, telebisyon at internet para maabot ang lahat ng mga mag-aaral.

Kanselado rin muna ang pagdaraos ng curricular at co-curricular gatherings gaya ng science fairs, showcase ng portfolios, trade fairs, school sports, campus journalism, festival of talents, at job fairs, maliban na lang sa mga aktibidad na maaari namang isagawa online.

KLASE LEONOR BRIONES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with