Grab rider dinakip sa beer
Danilo Garcia (Pang-masa) - May 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Grab food rider ang inaresto ng mga otoridad nang madiskubre na mga beer-in-cans ang laman ng kaniyang delivery box kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang naaresto na si John Carlo Luces, 23, residente ng No. 359 Guyabano Ext. Napico St., Mangahan Pasig City.

Sa ulat ng Pandacan Police Station 10, alas-10:00 ng umaga nang parahin sa isang police checkpoint sa may kanto ng Palumpong at Beata Street sa Pandacan ang suspek at nang isailalim sa
inspeksyon ni PPat Jeofrei Reyes ang delivery box ng rider, ay dito tumambad ang 11 beer-in-can na magkakaiba ang brand. 

Dito inaresto ng mga pulis si Luces sa kabila ng pagtanggi niya na idedeliber lamang niya sa kliyente ang mga beer at hindi niya alam na labag ito sa batas.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa EO No. 18 (Alcohol Ban) sa Manila City Prosecutor’s Office.  

BEER GRAB FOOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with