^

Police Metro

3 gumamit ng quarantine pass sa pagpuslit ng shabu, tiklo

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang tatlong katao na hinihinalang miyembro ng drug syndicate na gumagamit ng quarantine pass sa pagbibiyahe ng ilegal na droga na nagmula umano sa New Bilibid Prisons (NBP) makaraang malambat sa buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Dalahican Road, Barangay Mayao Crossing, Lucena City, Quezon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Claire Jan Alagon, 29, dalaga ng Muntinlupa City; Danilo Dumaplin, 29, ng Capis­trano Subdivision, Barangay Gulang-gulang, Lucena City; at Crislyn Dolor. 20, dalaga ng Barangay Ibabang Dupay ng lungsod na ito.

Sa ulat ni PCol. Audie Madrideo, Quezon Police director, alas-5:30 ng hapon ay nakatransak­syon ng mga operatiba ng drug enforcement unit si Dumaplin at nagkasundo na magkikita sa gilid ng highway at nang nasa akto na ng bilihan ng epek­tos ay doon na inaresto si Dumaplin habang nasa passenger seat ng Toyota Avanza na minamaneho ni Alagon at sakay  si Dolor.

Inamin ni Alagon na ginagamit niya ang isang quarantine pass na nanggaling sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City upang malayang makalabas at makalusot sa mga checkpoint at mai-deliver ang mga shabu na nanggaling umano sa NBP.

Aabot sa 10 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 126.83 gramo na nagkakahalaga ng P2,581,332.00 ang nasamsam sa mga  suspek kabilang na ang isang piraso ng P1,000 marked money, apat na P1,000 “budol” money at ang sinakyan nilang Avanza.

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with