^

Flights sa mga airports sinuspinde ng 1- linggo

Butch Quejada (Pang-masa) - May 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ng pitong araw o isang linggo ang mga flight ope­rations ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at lahat ng iba pang international airport sa bansa maliban sa mga emergency habang enroute, cargo flight; air ambulance at medical supplies flight; weather mitigation flights at maintenance flight.

Bukod sa NAIA, ina­bisuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pansamantalang flight suspension sa pamamagitan ng “notice to airmen” (NOTAM) ang iba pang international airports tulad ng Davao International Airport, Clark International Airport, Iloilo International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Zamboanga International Airport, Kalibo International Airport, Laoag International Airport at Puerto Princesa International Airport.

Ang suspensyon ng mga domestic at international airports ay ginawa kahapon ng umaga at tatagal hanggang Mayo 9 ng gabi.

Gayunman, pahihintulutan na makapagpatuloy sa kanilang flight ope­rations ang mga sweeper flights para sa mga dayuhan sa pagpapauwi pabalik sa kani-kanilang mga bansa. Ang lahat naman ng domestic air na pada-ting at paalis sa NAIA ay mananatiling suspendido.  

Sinabi ng pamunuan ng CAAP, ang mga international flights na nagnanais na lumapag sa paliparan at aalis ay dapat magbigay ng abiso para sa request exemption sa CAAP-OPCEN nang hindi bababa sa 36-oras bago ang naka-iskedyul na pag-alis mula sa kanilang lugar na pinagmulan.

Ang outbound foreign passengers ay papayagan namang sumakay ng eroplano para sa commercial flight pero kailangang may abiso bago ang 36-oras sa ikedsyul ng biyahe. 

COVID-19 NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with