^

‘Color IDs’ sa senior citizens, plano ng Quezon City sa GCQ

Butch Quejada (Pang-masa) - May 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Plano ng Quezon City government na mag-implementa ng “color-coded scheme” sa bagong identification cards na iisyu sa mga senior citizen sa lungsod para matiyak na sila’y mapoprotektahan at magabayan laban sa COVID-19 sakaling ipatupad na ang general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, isa sa kanilang opsyon ay i-require ang mga senior citizens sa lungsod na magsuot ng “color ID”, gayunman isasapinal nila ito matapos na mailatag ang guidelines sa GCQ buhat sa national government.

Gayunman, nilinaw ng mayor, matapos ang gina­wang pakikipagpulong sa mga opisyal sa lungsod na hindi naman ito nangangahulugan na awtomatiko na silang (senior citizens) exempted sa community quarantine sakaling magpatupad na ng GCQ sa Metro Manila.

“Hindi ito travel pass na mag-eexempt sa kanila sa GCQ guidelines. Hindi sila basta puwedeng gumala sa mga lansangan”, pahayag pa ni Belmonte.

Ayon naman sa mga opisyal ng city hall na anumang local regulations ay iko-coordinate nila at kailangang maaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na nagpahiwatig na maaari nilang bigyang konsiderasyon ang senior citizens.

Una nang sinabi ng IATF na ang mga nasa edad 60-pataas ay hindi pa rin puwedeng lumabas ng bahay sakaling ipatupad na ang GCQ.

“Gusto lang po naming siguraduhing tuluy-tuloy ang aming tulong sa mga senior at  sila ay  maalalayan  ng ating mga awtoridad at  mga volunteer sa mga panahong ito,” dagdag pa ni Mayor Belmonte.

Ang quarantine passes ay inisyu ng City Hall sa bawat household para sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan habang ipinatutupad ang extended community quarantine (ECQ) period. 

Inabisuhan din ng city government ang mga groce-ries, mga palengke at mga banko na maglaan ng priority status sa senior citizens, persons with disability at pregnant women at mahigpit na pagpapatupad sa social distancing.  

 “Pero iba na po kasi ang sitwasyon kung GCQ na. If some of our senior citizens were able to use quarantine passes, perhaps it would be better  to wear  a new ID  that can  easily identify them as senior citizens”, ayon pa sa Mayor.

GCQ SENIOR CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with