^

‘Hybrid’ hearings at session sisimulan ng Senado sa susunod na linggo

Gemma Garcia (Pang-masa) - April 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ng Senado ang magiging sistema ng kanilang sesyon na magbabalik na sa susunod na linggo.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, isang “hybrid system” ang kanilang gagawin na ang ibig sabihin, pwedeng personal na pumunta, habang maaari ring gumamit ng teleconference ang mga hindi makakara­ting dahil sa nananatiling lockdown.

Maging ang mga pagdinig ay posibleng gawin na rin munang hybrid, dahil malabo pang makabiyahe umano ang ilang resource person na kanilang ipapatawag. Gayunman, hindi isasama sa teleconferencing si Sen. Leila de Lima na nakakulong sa Camp Crame.

SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with