Ang naimbentong “Robot Roving Doctor” o RoviDoc ng mga propesor ng Bulacan State University na susubukang gamitin para sa mga COVID patients sa centralized qua­rantine facility ng Bulacan Medical Center.
‘Robot Roving Doctor’ naimbento ng BulSU, gagamitin sa COVID patients
Omar Padilla (Pang-masa) - April 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakaimbento ang mga propesor ng information technology sa San Jose Del Monte campus ng Bulacan State University (BulSU) ng “Robot Roving Doctor” o RoviDoc at susubukan nang gamitin ito sa mga COVID patients sa centra­lized quarantine facility ng Bulacan Medical Center.

Ayon kay Jayson Victoriano, direktor ng Ins­titute for Innovation in Business and Emerging Technologies ng BulSU-San Jose Del Monte, ang RoviDoc ay tutugon upang matiyak ang kaligtasan din ng mga doktor at nars na gumagamot sa mga may sakit ng coronavirus disease o COVID-19.

Dinisenyo ang RoviDoc upang siyang direktang kumalinga at magbigay ng mga panga­ngailangan ng pasyenteng may COVID-19 na hindi na kailangang lapitan nang personal ng mga doktor o nars. Kaya nitong asikasuhin ang health care service ng bawat pasyente, magbigay ng suplay ng gamot sa takdang araw at tamang oras at mabantayan ang kondisyon ng isang pasyente kung gumagaling o hindi. 

Pwede rin nitong makita ang tunay na lagay ng isang pasyente sa pamamagitan ng nakakabit na RoviDoc Apps. 

Tatlong yunit ng RoviDoc ang inaprubahan ni Gobernador Daniel Fernando na idedestino sa kada palapag ng tatlong palapag na gagawing Central Quarantine Facility sa BMC.

Bawat isang yunit ay nagkakahalaga ng P150,000 kung saan tutulong sa pagpopondo nito ang pamahalaang panlalawigan.

ROBOT ROVING DOCTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with