_pang-masa
^

‘PWDs gawing prayoridad sa pamamahagi ng relief goods’

Mer Layson (Pang-masa) - April 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa mga nata­tanggap na reklamo, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na gawing prayoridad ang mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) sa ginagawa nilang pamamahagi ng mga relief goods, kaugnay ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dati nang marginalized ang mga PWDs at ngayong may lockdown dahil sa COVID-19 pandemic ay higit silang dapat na bigyan ng atensiyon. Partikular na tinukoy nito ang mga bata, buntis at matatandang may kapansanan na dapat na tutukan ng pansin.

“The ECQ is more challenging to vulnerable groups like PWDs. The DILG urges LGUs to prio­ritize PWDs in distributing food packs, medicine, and vitamins,” ani Año.

Nanindigan si Año na dapat tiyakin ng lahat ng LGUs, partikular na ng mga barangay na magkaroon ang lahat ng PWDs ng access sa sapat na pagkain at ikokonsidera ang kanilang kinakailangang mga nutris­yon, alinsunod sa itinatakda ng batas. Dapat din umanong payagang gumamit ng barangay vehicle ang mga PWDs, kung may emergency.

PWD'S RELIEF GOOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with