“She was about to recover, I don’t know kung anong nangyari, nag-relapse. Then just this morning, we received the news that my favorite dear sister Cathy already left us,” kuwento niya. Si Catherine aniya, ang unang pumanaw sa ka­nilang 10 magkakapatid.
Presidential Photo
Kapatid ni Sec. Bello, patay sa COVID-19
Ludy Bermudo (Pang-masa) - April 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III na nasawi ang kanyang kapatid na babae dahil sa coro-navirus disease 2019 (COVID-19).

Mis­mong si Sec. Bello ang nag-ulat sa pagkamatay ng paborito niyang kapatid na si Catherine, nang magsagawa siya ng Laging Handa press brie-fing kahapon.

Natanggap ni Bello ang malungkot na balita kahapon lamang ng umaga, na ikinagulat niya dahil ang alam niya ay makakarekober na ang kanyang kapa-tid sa sakit na COVID-19.

“She was about to recover, I don’t know kung anong nangyari, nag-relapse. Then just this morning, we received the news that my favorite dear sister Cathy already left us,” kuwento niya.
Si Catherine aniya, ang unang pumanaw sa ka­nilang 10 magkakapatid.

Nabatid na isinugod si Catherine sa pagamutan noong Marso 25 nang makaramdam ng sintomas ng sakit at nagpositibo sa naturang virus.

Hindi pa umano malinaw kung bakit umulit ang sakit ng kapatid sa halip na gumaling na nang tuluyan.

SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with