7 nagsusugal sa kalye inaresto

Ludy Bermudo (Pang-masa) - April 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong lalaking pa­saway na lumabag sa curfew kaugnay ng enhanced community quarantine ang inaresto sa aktong nagto-tong its at nagka-cara y cruz sa kalsada sa Parañaque City at Las Piñas, kamakalawa.

Dinakip ng mga  tauhan ng Parañaque Police ang apat na tambay na sina Joel Villarmino, 27, jobless ng Pildera 2, Pasay City; Julito Lucero Jr, .29; Henry Galario, 53, truck  driver; at Charlie Galvez, 61, kapwa mga residente ng Johanes St., Pascor Drive, Barangay Sto. Niño, Parañaque  City.

Sa ulat, ala-1:00 ng hapon nang madaanan ng mga nagpapatrulyang pulis ang apat sa aktong  nagla­laro ng cara y cruz sa  Johanes St., at nang kapkapan ay nakuhanan sa bulsa ng .2 gramo ng shabu na may street value na P3,400 si Villarmino.

Ang apat ay kinasuhan sa paglabag sa Republic Act  11332 (State of Public Health Emergency at  Pre­sidential Decree 1602 (Illegal Gambling), habang si Villarmino naman ay nadagdagan ang kasong paglabag sa section 11 ng RA 9165 (possession of illegal drugs).

Sa Las Piñas, dakong alas-3:25 ng hapon nang hulihin sa Jerusalem St., BF Martin Ville Manuyo Dos, ang mga suspek na kinilalang sina Jojo Awitin, 53, truck driver;  Alex Sajul, 42, driver at Jayvee Alas, 36 sa aktong nagsusugal ng tong-its.

Ang tatlo ay inireklamo ng paglabag sa RA 11332 (State of Public Health Emergency at PD 1602 (Illegal Gambling).

ARESTADO SUGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with