^

NFA direktang bibilhin ang inaning palay ng mga magsasaka

Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic ay patuloy na direktahang bibilhin ng Department of Agriculture-National Food Authority (NFA) ang mga inaning palay ng mga local farmers.

Ayon kay DA-NFA Laguna Provincial Ma-nager Roman M. Sanchez, patuloy na binibili ng ahensiya ang inaning palay ng mga magsasaka upang matiyak na ang kanilang aning palay ay hindi masasayang at upang patuloy na ma-ging sapat ang imbak na bigas ng ahensiya para sa mamamayan ngayong panahon ng krisis.

May mga nakaanta-bay namang mga tauhan ang NFA sa iba’t ibang mga warehouse upang may umasiste at bumili ng palay na ibebenta doon ng mga magsasaka sa P19 kada kilo.

Una nang nanawagan ang DA sa mga magsasaka na sa pamahala­an ibenta ang kanilang inaning mga palay para makatulong sa pagpuno sa pangangailangan sa bigas ng bawat mamamayang Pilipino.

Sa ngayon, may kabuuang  2,024 bags ng palay  ang direktahang nabili ng NFA sa mga magsasaka sa Laguna area pa lamang.

COVID-19 NFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with