No. 1 most wanted sa Tondo, tiklo
Danilo Garcia (Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng krisis sa COVID-19, patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa mga wanted sa batas at naaresto ang No. 1 Most Wanted sa Tondo sa ikinasang operasyon sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Marvin Borata Cruz, 37, binata, pintor at naninirahan sa Gate 2 Area A Parola Compoud, Brgy. 20, Tondo, Maynila.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong murder at robbery na may piyansang P100,000 na parehong nakasampa sa sala ni Judge Emma Young ng Manila Regional Trial Court Branch 36.

Natukoy sa pamamagitan ng intelligence gathering ang hideout ni Cruz sa bahay ng mga kaanak sa Bulacan kaya’t sinalakay ito ng mga otoridad, alas-6:00 ng gabi sa Phase 4 Pabahay, Brgy. Bagong Barrio, Pandi at naaresto.

COVID-19 MARVIN BORATA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with