Ininspeksyon nina DPWH Build Build Build Committee Chairperson Anna Mae Yu Lamentillo at DPWH Regional Director Ador Canlas ang PICC Quarantine Facility kahapon sa Pasay City. Ang paggawa ng PICC quarantine facility ay inaasahang makukumpleto sa loob ng pitong araw bago ang 10-araw na deadline na itinakda nina Pangulong Rodrigo Duterte at DPWH Secretary Mark Villar.
Edd Gumban
DILG sa LGUs: Magtayo ng sariling COVID-19 isolation facilities
Mer Layson (Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa magkakaroon na ng mass testing sa COVID-19 sa buong bansa ay inatasan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga local go­vernment units (LGUs) na magtayo ng sarili nilang isolation facilities para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa lalong mada­ling panahon.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, kaila­ngang-kailangan ngayon ang mga naturang pasilidad dahil magkakaroon na ng mas maraming COVID testing at inaasahan nang mas darami pa ang mga pasyente na magpopositibo sa virus.

Sinabi ng opisyal na ang pasyente na makukumpirmang may COVID-19, ngunit walang sintomas o di kaya’y may mild symptoms lamang ay papayuhang manatili sa mga naturang local isolation facilities, dahil ang mga pagamutan ay congested na sa ngayon.

Maaari aniyang gamitin ng mga LGUs ang inaprubahang “Bayanihan Grant to Cities and Municipalities” para sa pagtatayo ng mga natu­rang isolation facilities.

Matatandaang kaaapruba lang ng Office of the President ang natu­rang Bayanihan Grant, na aabot sa P30.824-bil­yon na ang layunin ay mapahusay pa ang kapasidad ng mga LGUs sa paglaban sa COVID-19 crisis.

Sakali naman aniyang hotel ang plano nilang gawing isolation facility at mayroon silang dapat bayaran, maaari nila itong i-charge sa Bayanihan Grant.

Paliwanag pa ni Malaya, ang mga LGUs ay tatanggap ng ekstrang Internal Revenue Allotment (IRA), na ang halaga ay katumbas ng IRA na regular nilang natatanggap mula sa Department of Budget and Management (DBM).

EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with