“We wish to reiterate that the ECQ covers the regions of Luzon; for areas outside Luzon, such as regions in Mindanao and the Visayas, local government units have the discretion to implement ECQs if they deem it necessary,” ani Nograles.
STAR/Geremy Pintolo, file
LGUs sa Visayas at Mindanao ipinauubaya ang pagdeklara ng ECQ
Malou Escudero (Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases Spokesman Karlo Nograles na pinauubaya na sa mga local government units (LGUs) sa Visayas at Mindanao ang pagdedeklara ng kani-kanilang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay  Nograles, nasa  diskresyon na ng mga LGUs ang pagpapatupad ng ECQ kung sa tingin nila ay kinakailangan sa kanilang nasasakupan.

 “We wish to reiterate that the ECQ covers the regions of Luzon; for areas outside Luzon, such as regions in Mindanao and the Visayas, local government units have the discretion to implement ECQs if they deem it necessary,” ani Nograles.

Malinaw naman aniya na ang pinalawig lamang na ECQ ay sa Luzon na magtatapos sa Abril 30 kung hindi muling magkakaroon ng ekstensyon. Ma­ngangahulugan na sa mga susunod na araw ay aasa na naman ang mga mamamayan sa Luzon sa mga frontliners para sa kanilang health, security at safety.

Sinabi pa ni Nograles, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng IATF ay ang pagtiyak na tuluy-tuloy na makakarating sa Luzon lalo na sa Metro Manila ang suplay ng pagkain at mga pangunahing pangangaila­ngan.

ECQ KARLO NOGRALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with