
DOJ payag sa kanselasyon ng medical confidentiality ng COVID patients
MANILA, Philippines — Sinuportahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang panawagan ng mga medical at lawyer groups na boluntaryong i-waive ng mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang kanilang “medical confidentiality” para mas mabisang matukoy ang mga taong kanilang nakasalamuha at maihiwalay sa populasyon.
Kabilang sa nanawagan na mag-waive ang mga pasyente ng pagsisikreto ng kanilang “medical information” ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), Phl Medical Association, Phl College of Surgeons, Phl College of Emergency Medicine, at Phl Academy of Family Physicians, Inc. na pawang iginiit na hindi “absolute” ang “confidentiality”.
Ipinaliwanag ng mga grupo na hindi kasalanan, krimen o stigma ang pagkakaroon ng COVID-19, ngunit mas makakasama kung patuloy na itatago ang kanilang impormasyon kung mahahawa ang mga medical workers habang makakatulong ang pagsisiwalat para matukoy ang mga taong kanilang nakasalamuha para agad na maihiwalay at mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
Una na ring nanawagan ang IBP laban sa anumang uri ng diskriminasyon sa mga pasyente, PUIs at mga medical frontliners.
- Latest