Finance Sec. Dominguez pinahahanap ni Duterte ng dagdag pondo vs COVID-19
Malou Escudero (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Durerte na kulang ang P270 bilyong pondo ng pamahalaan kontra COVID-19 at paubos na ang pera ng gobyerno at ang ginagamit na sa ngayon ay ang nakareserbang pondo.

Sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi gumagalaw ang ekonomiya dahil sa enhanced community quarantine na pinalawig pa hanggang sa Abril 30. Kaya’t inutusan nito si Finance Secretary Sonny Dominguez, na maghanap ng dagdag na pondo at wala umano itong pakialam kung magnakaw o manghiram si Dominguez na basta’t makapag-produce lamang ito ng pera.

“P100 billion for one month or P270 “billion for two months naka-program na is not enough, Im cal­ling on SOF to generate magnakaw ka maghiram ka produce mo yung pera, pag naubos na ito di ko malaman itong COVID na ito ito yung tunay, at the start sinabi ko sa inyo, bantay tayo, talagang yayariin tayo nito,” ayon sa Pangulo.

Sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act, P200 bilyon mula sa P270 bilyong pondo ang ipang-aayuda sa mga mahihirap na pamilya na naapektuhan ng COVID-19.

COVID-19 RODRIGO DURERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with