LGUs makatatanggap ng P30.8 bilyon ‘Bayanihan grant’ vs COVID-19
Mer Layson, Malou Escudero (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na inaprubahan ng Office of the President ang pag-release ng P30.824-billion “Bayanihan Grant to Cities and Municipalities.”

Ayon sa DILG, layon nitong mapaigting pa ang mga hakbang ng mga LGUs para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang one-time grant sa mga lungsod at munisipalidad ay katumbas ng isang buwan ng kanilang Internal Revenue Allotment na maaaring magamit sa COVID-19 response at relief operations.

Nauunawaan aniya ng gobyerno na malaking hamon ang pinagdaraanan ng LGUs sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente sa kanilang nasasakupan.

“Sa pamamagitan ng Bayanihan Grant to Cities and Municipalities, magkakaroon na ng karagdagang kapasidad ang ating mga LGUs na bumili ng mga kagamitan at tulungan ang mga taong lubos na apektado ng krisis na ito,” ani Año.

Kabilang dito ang pamimigay ng relief goods, procurement ng personal protective equipment para sa frontline service providers, gamot at vitamins, mga kagamitan sa ospital, disinfectant, mga tent para magsilbing temporary shelter ng mga walang tirahan at iba pa.

BAYANIHAN GRANT DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with