Middle class bigyan ng P1K emergency assistance
Joy Cantos, Malou Escudero (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, puwera ang top 10% ng populasyon o ang mayayaman, na bigyan ng gobyerno ng P1,000 emergency assistance ang lahat ng mga Pilipino na nasa middle class.

Ito ay matapos palawigin pa ng hanggang Abril 30 ang enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng krisis sa COVID-19.

Ayon kay Salceda, umaaray na rin sa matinding epekto ng krisis maging ang hanay ng mga middle class kaya dapat din silang tulungan ng pamahalaan kahit sa konting pamamaraan.

Unang hiniling ni Salceda kay Pangulong Duterte na ikonsidera ang Universal Basic Income (UBI) sa distribusyon ng emergency subsidy upang mabigyan ng tulong ang 90% ng populasyon sa bansa.

“Essentially, you distribute 1,000 to 2,000 pesos per head. Bale ang eligibility lang po, basta Pilipino ka at hindi ka mayaman, makakatanggap ka ng tulong, puwera mayaman at puwera patay na,” ani Salceda.

Inihayag ni Salceda na ang mga middle income household ay may karapatan sa pinansyal na tulong sa ECQ dahil nasa P44.4 B sa buwis ang mula sa mga ito kung saan P 29.4 B ang personal na income taxes.

Mismong si Duterte ang nagsabi kamakalawa ng gabi na sinulatan siya ni Cavite Governor Jonvic Remulla para iapela na mabigyan din ng ayuda ang mga nasa middle class na apektado rin ng COVID-19.

Anang Pangulo, puwedeng isama ang middle class sa susunod na pagbibigay ng tulong ng gobyerno.

EMERGENCY ASSISTANCE ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with