Pagbabayad ng SSS contribution pinalawig
Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalawig hanggang Hunyo 1, 2020 ang pagbabayad ng monthly contribution ng lahat ng miyembro ng Social Security System (SSS) at mga employers sa bansa.

Ito ang sinabi ni SSS President at Chief Exe­cutive Officer Aurora Ignacio dahil sa ginawang pagsasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19.

Ang mga employers na may approved installment proposals sa ilalim ng Contribution Penalty Condonation Program ay dapat na mag-deposit sa Hunyo 1, 2020 ng kanilang post-dated checks due sa mga buwan ng Pebrero, Marso, Abril at Mayo  2020.

Pinayuhan naman ni Ignacio ang mga employers na ang payment deadline para sa applicable months makaraan ang April 2020 ay dapat na susunod sa regular payment schedule.

Para sa mga self-employed, voluntary, at non-working spouse members, ang payment deadline para sa applicable months o quarters makaraan ang March 2020 ay kailangang sumunod sa regular payment sche­dule.

SSS CONTRIBUTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with