Lolo sa Naga namatay sa COVID
Jorge Hallare (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 66-anyos na lolo ang nasawi sa coronavirus disease sa Naga City, Camarines Sur matapos ihayag ng alkalde ng lungsod ang resulta ng swab test ng naturang pasyente kahapon ng umaga.

Sa inilabas na statement ni Mayor Nelson Legacion, positibong COVID-19 ang ikinamatay ng biktima na residente ng Brgy. Calauag makaraang kumpirmahin sa ni Dr. Ernie Vera, regional director ng Department of Health ang resulta ng kanyang swab test.

Ayon kay Legacion, noong Abril 2 ay nakaramdam ng lagnat at hirap sa paghinga ang biktima kaya isinugod ng mga kaanak sa NICC Hospital dakong alas-10:00 ng gabi.

Gayunman, hatinggabi ay inilipat na ang pasyente sa Bicol Medical Center at kinunan ng swab sample. Dakong ala-1:00 ng madaling araw noong Abril 3 ay nasawi ang matanda na isinailalim sa cremation ang bangkay nito.

Wala umanong travel history ang biktima sa abroad o kahit sa Metro Manila. Agad pinayuhan ng alkalde ang lahat ng mga nakasalamuha at nagkaroon ng closed contact sa biktima na magpasailalim sa kuwarantina.

Iniutos ang disinfection at pagsasailalim sa “extreme community quarantine” o lockdown sa naturang barangay.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with