Mister napagkamalang baboyramo nabaril ng pamangkin, utas
Raymund Catindig, Joy Cantos (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 49-anyos na mister matapos barilin ng kanyang pamangkin nang mapagkamalang baboyramo habang nangangaso sa kagubatan ng Brgy. Maradodon, Cabugao, Ilocos Sur kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Reynaldo  Calibuso Tatson,  49, magsasaka at residente ng Brgy. Maradodon, Cabugao ng lalawigang ito.

Nahaharap naman sa kasong homicide ang suspek na si Melchon Flores Tatson, 28, at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Ilocos Sur Police, ala-1:45 ng hapon nitong Sabado sa kagubatan ng Sitio Caset, Brgy. Maradodon, Cabugao, Ilocos Sur ay magkasama ang magtiyuhin at tatlong kapitbahay na nangangasao ng baboyramo sa kanilang barangay. Naghiwa-hiwalay sila ng puwesto habang ang suspek ay pumosisyon sa mataas na bahagi ng bundok habang nasa ibaba naman ang tiyuhin.

Gayunman, dahil sa gumapang ang biktima sa damuhan ay napagkamalang baboyramo ng pamangkin nang lumitaw ang ulo sa kinaroroonan nito kaya pinutukan nang sunud-sunod. Nang lapitan ang target, dito na natuklasan ng suspek na napatay niya ang tiyuhin at makalipas ang ilang oras ay boluntaryong sumuko ang una sa himpilan ng pulisya.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with