P1 bilyong gift checks naipamigay na ng simbahan
Danilo Garcia (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naipamigay na sa mga mahihirap na pamilya ng Simbahang Katolika sa mga nasasakupan ng sampung Diocese at Archdiocese sa Mega Manila sa pamamagitan ng Caritas Manila ang nasa P1 bilyong halaga ng mga gift checks.

Nabatid kay Caritas Manila Executive Director Rev. Father Anton CT Pascual ba umabot na sa 651,799 mahihirap na pamilya ang kanilang nabigyan ng mga gift checks sa ilalim ng Oplan Damayan bukod pa sa naipamigay na Ligtas Covid kits at Manna food packs.

Pinasalamatan ng Caritas Manila ang mga negosyanteng katuwang ng Simbahan sa proyekto dahil sa kanilang mga donasyon para sa mahihirap na pamilya.

Nabatid na may P200,000 pa na natitira sa kanilang pondo na nakatakda nilang ipamahagi sa iba pang mahihirap na pamilya na hindi pa nahahatiran ng tulong ng Simbahan.

GIFT CHECKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with