Maynila magbibigay ng P1K kada pamilya
Danilo Garcia (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang makatulong sa pangangailangan ng bawat pamilya habang nasa enhanced community quarantine ang Luzon, magbibigay ng tig-1 libong piso ang pamahalaang lungsod ng Maynila bukod pa sa naunang naibigay na relief packs.

Ito ay matapos lumikha ang Sangguniang Panglungsod ng City Ordinance No. 8625 o ang City Amelioration Crisis Assistance Fund na agad namang pinirmahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Uumpisahan ang pamimigay ng P1,000 na tulong pinansyal ngayong araw para makuha na ng mga pamilya ang pera bago sumapit ang Easter Sunday.

Nakasaad sa ordinansa ang pagpapalabas ng P591 milyong pondo para mabigyan ng tig-P1 libo ang nasa 568,000 pamilya ng lungsod na ang pondo ay kukunin sa Office of the Mayor, Manila Department of Social Welfare at sa City Development Fund.

Ipinaalala ni Domagoso sa mga residente na huwag nang puntahan ang kanilang Barangay Hall o ang bahay ng kanilang chairman dahil mismong mga tauhan ng City Hall ang magtutungo sa mga bahay.

Ang Amelioration Fund ng Maynila ay hiwalay pa sa ibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) base sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na P5K hanggang P8K na tulong sa pinakamahihirap na pamil­ya.

RELIEF PACKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with