Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, walang puwang ang diskriminasyon ngayon lalo’t nakararanas ng krisis ang Pilipinas sa COVID-19 kaya’t hiniling nito sa mga abogado sa buong bansa na bigyan ng serbisyo ang mga taong nangangailangan.
STAR/Michael Varcas, file
Diskriminasyon sa health workers may katapat na parusa
Ludy Bermudo, Malou Escudero (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa na mag-isyu ng executive order o ordinansa na magpapataw ng parusa sa mga gumagawa ng diskriminasyon sa mga health workers dahil sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, walang puwang ang diskriminasyon ngayon lalo’t nakararanas ng krisis ang Pilipinas sa COVID-19 kaya’t hiniling nito sa mga abogado sa buong bansa na bigyan ng serbisyo ang mga taong nangangailangan.

“Sa mga kapwa ko abogado, ngayon po ang panahon upang ibigay natin ang ating mga serbisyo sa mga taong nangangailangan nito,” pahayag ni Nograles.

Ayon kay Nograles, kinokondena ng IATF ang insidente sa Iloilo kung saan pinagbabato ang bahay ng isang pamilya matapos mabatid na persons under monitoring sila dahil sa COVID-19.

“We denounce in the strongest of terms acts of discrimination inflicted upon healthcare workers, OFWs, COVID-19 cases, whether confirmed or suspected, recovered or undergoing treatment, as well as Patients under Investigation and Persons under Monitoring. Kinokondena ito ng IATF at binabalaan po namin na kakasuhan po namin ang mga taong mahuli na ginagawa ito,” pahayag ni Nograles.

Pinasalamatan ni Nog­rales ang mga abogado mula sa University of the Philippines College of Law na nag-alok ng serbisyo sa mga nabibiktima ng diskriminasyon dahil sa COVID-19.

Nakipag-ugnayan ani­ya ang mga abogado ng UP sa IATF matapos ang insidente ng pananaboy naman ng zonrox at chlorine sa health workers sa Sultan Kudarat at Cebu noong nakaraang linggo.

Samantala, nagpalabas kamakalawa ng Executive Order No. 27 si Mayor Edwin Olivarez  na nagpaparusa sa mga gumagawa ng anumang uri ng diskriminasyon laban sa medical at non-medical frontliners  sa panahon ng public health crisis sa coronavirus pandemic, na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Anang alkalde, ang   city health office ay naka­tanggap ng mga ulat hinggil sa pagtanggi na isakay ang mga frontliners sa public transport at pagpapaalis sa kanilang inu­upahang lodging houses at apartment sa takot na makahawa sila.

Nakasaad sa Executive Order na labag sa batas ang tatanggi na makakuha ng serbisyo ang isang frontliner na ang programa ay available naman sa publiko.

Hindi rin dapat na pagbawalan na makapasok ang frontliners sa public markets, supermarkets, groceries, bakeshops, at convenience stores.

HEALTH WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with