^

Police Metro

Cabinet members nag-donate rin ng 75% ng kanilang sahod

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibibigay ng mga mi­yembro ng Gabinete ang 75 percent ng kanilang buwanang sahod para sa mga programa ng gobyerno upang masugpo ang coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles sa press briefing ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Nograles, nakikibahagi ang mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ba­yanihan at pagtutulu­ngan sa panahon ng krisis.

“Majority ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte ay boluntaryong ibibigay ang malaking bahagi, 75% ng kanilang buwanang sahod upang ilaan sa mga programa ng gobyerno upang sugpuin ang COVID-19 sa loob ng panahong ipinapatupad ang Bayanihan law,” ani Nograles.

Ang Department Secretaries ay nasa ila­lim ng Salary Grade 31 na mayroong buwanang sahod mula P262,000 hanggang P301,000.Ang Cabinet Secreta­ries ay binubuo ng 21 department heads at 32 cabinet level officials.

vuukle comment

KARLO NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with