^

Police Metro

Bata na may sintomas ng COVID, namatay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 5-anyos na batang babae na may sintomas umano ng COVID-19, kahapon ng umaga sa Legazpi City, Albay.

Ang paslit na residente ng Brgy. Bañag sa bayan ng Daraga ay isinugod ng kanyang mga kaanak sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) kahapon ng umaga dahil sa lagnat at nahihirapang huminga pero nasawi habang ginagamot.

Bago namatay ay nakuhanan ng swab samples ang pasyente na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa COVID-19 test.

Ayon kay Dr.Antonio Loduvice, provincial health officer ng Albay, unang ipinakonsulta ng mga magulang ang bata sa Philippine Heart Center dahil sa sakit sa puso noong Marso 6, habang Marso 13 ay dinala naman sa BRTTH dahil sa ubo at matapos tingnan ay binigyan ng antiobiotics para sa pitong araw at pinauwi. Walang history ng travel sa ibang bansa ang bata maliban sa Metro Manila. Nakatakda umanong i-cremate ang bangkay ng paslit.

Hiniling naman ng lokal na pamahalaan ng Daraga sa mga magulang at mga kaanak na nagkaroon ng closed contact sa bata na sumailalim sa home quarantine.

Ang naturang bayan ay may isang covid-19 positive na naitala subalit nasa recovery status na.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with