^

Police Metro

Hazard pay na P500 ng mga pulis, P235 na lang

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadismaya ang mga pulis na frontliners sa paglaban ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos na ipaalam sa kanila ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na makatatanggap lang sila ng P235 bilang COVID-19 hazard pay kada araw sa halip na P500 na naunang inanunsyo at pinangako ng gobyerno.

Sa ipinalabas na direktiba ni P/Brig. Gene­ral Marni Marcos, acting director ng PNP Comptrollership, hanggang P235 lang umano kada araw ang kayang ibigay na hazard pay sa mga police frontliners.

Sa isang sulat  na umiikot ngayon sa Camp Crame, tinutuligsa ang pamunuan ng PNP dahil sa ginawa umanong desisyon hinggil sa pagbawas ng hazard pay ng kanilang mga frontliners na may temang “The Problem of the PNP is always a question of leadership not membership”.

Ang kailangan lang naman umano ng mga pulis na lumalaban sa hindi nakikitang kalaban sa kalsada ay tingnan ng pamunuan ng PNP ang kanilang kapakanan. Karamihan sa kanila ang mga ama, ina, mga anak na nagtitiis na hindi makita o mayakap ang mga mahal sa buhay at pagkatapos ay ganito lang umano ang kanilang mapapala.

Hindi na rin umano kaila­ngan ng Congressional o Senate Inquiry hinggil sa ginagawang “injustice” ng PNP sa kanilang mga tauhan na dapat sana ay irespeto at parangalan dahil sa ginagawa nilang kabayanihan.

Payo naman ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac sa mga nagrereklamo na basahing mabuti ang mga opisyal na direktiba kaugnay ng pagbibigay ng hazard pay upang maiwasan ang “misinformation.”

vuukle comment

HAZARD PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with