^

Police Metro

10K kada araw target ng DOH na ma-COVID test

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng Department of Health (DOH) na iakyat ang kapabilidad ng kanilang mga laboratoryo na makapagsagawa ng 8,000 hanggang 10,000 coronavirus testing kada araw sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na nasa 3,000 muna kada araw ang kanilang magagawa na testing si­mula sa Abril 14 dahil sa ekspansyon ng kanilang testing protocols ngunit inaasahan na tataaas ito mula 8,000 hanggang 10,000 sa pagtatapos ng buwan at ang uunahin ay iyong mas mga nanga­ngailangan na masuri.

Mula nitong Enero ay may kakayahan lamang ang DOH na makapag-test ng 300 samples at umakyat na ngayon sa 900-1,200 kada araw dahil sa pagbubukas ng mas maraming testing laboratories at ang pagdating ng mga kinakailangang testing kits.

Makaraan ang halos isang buwan, naaprubahan na rin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga testing kits na nilikha ng  University of the Philippines-National Institute of Health na higit na mas mura sa mga imported kits. 

Handa na umano itong gamitin para mas lalong mapataas ang kapabilidad sa pagsusuri ng DOH laboratories.

vuukle comment

DOH

ROSARIO VERGEIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with