^

Police Metro

Mandatory mass testing sa COVID, umarangkada na

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaarangkada na ang “mass testing” sa mga persons under investigation (PUIs) sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tulad ng hinihingi ng karamihan upang agad na malaman kung sila ay nagpositibo na.

Una nang iginiit ni House Ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda  na isagawa na ng pamahalaan ang mandatory mass testing sa mga PUIs at ang masidhing paghanap at pagtukoy ng mga LGUs sa mga nakasalamuha nila bago isipin ang pagtanggal ng enhanced community quarantine.

Hiniling din ni Salceda sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na paghandaan ang “waves of active infection” o daluyong ng hawaan ng sakit na maaaring lumunod sa pangkalusugang kakayahan ng bansa na kung saan ay hanggang 1,500 lamang isang araw ang kakayahan ng lahat ng kasalukuyang mga laboratoryo. 

“Hindi rin agad magagawa na itigil ang enhance community quarantine dahil may kabagalan pa ang testing at kung ito’y ititigil tiyak na mapipilitang ibalik ito uli,at ibayong kahirapan ang idudulot nito higit na mahirap na pasulungin ang ekonomiya, at higit na matagal tayong makakabawi,” wika ni Salceda.

Kasama rin sa mga kahilingan ni Salceda ang unti-unting pagpapalawig o pagpapaigsi ng “emergency powers” ng Pangulo  sa “lockdown” tuwing ika-15 araw depende sa mga kaganapan, pag-aralan ang patuloy na pagsuspinde sa pasok sa mga paaralan, pagpasok ng mga manggagawa sa trabaho at ang patuloy na social distancing.

vuukle comment

COVID-19

MASS TESTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with