“Ngayon, ito naman may tao ako na abogado sa PACC, Commissioner Manuelito Luna, gusto niya na ipa-imbestiga si Leni kung bakit nag-solicit. Anak ka ng...Kaya ako nung narinig ko, sabi ko, ‘Fire him.’ As of this moment, he is no longer connected with government,” sabi ng Pangulo.
STAR/Miguel De Guzman, file
Nagpa-imbestiga kay Leni sa NBI, sinibak ni Duterte
Malou Escudero (Pang-masa) - April 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng kanyang televised message, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na si Manuelito Luna dahil sa paghirit na imbestigahan ang ginagawang pagso-solicit ni Vice Pre­sident Leni Robredo na ginagamit sa pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa mga mamamayan, sinabi ng Pangulo na agad niyang sinibak sa puwesto si Luna nang marinig na gustong paimbestigahan ang ginagawang paghingi ng tulong ni Robredo sa pribadong sektor.

“Ngayon, ito naman may tao ako na abogado sa PACC, Commissioner Manuelito Luna, gusto niya na ipa-imbestiga si Leni kung bakit nag-solicit. Anak ka ng...Kaya ako nung narinig ko, sabi ko, ‘Fire him.’ As of this moment, he is no longer connected with government,” sabi ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na walang mali sa ginagawang paghingi ng tulong ng bise presidente.

Inamin ng Pangulo na may mga panahon na bi­nabatikos niya si Robredo pero sa pagkakataong ito ay wala siyang nakikitang mali sa ginagawa nito.

Nagbanta pa ang Pangulo sa National Bureau of Investigation na tinawag niyang ignorante na isasali sa dismissal kung iim­bestigahan si Rob­redo.

Related video:

MANUELITO LUNA PACC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with